Lava ng Mayon umabot sa Legazpi

UMABOT na sa 300 metro ang lava ng Mayon Volcano sa isa sa mga dinadaluyang channel nito noon pang Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, u-mabot na rin sa 4.3 kilometro ang layo ng narating ng lava mula sa dating apat na kilometro mula sa Bo-nga-Buyuan Gully papuntang Legazpi City.
Umabot naman ang lava sa Miisi Gully sa bayan ng Daraga, na mayroong 3.2 kilometro ang layo.
Idinagdag ni Mariton Bornas, hepe ng Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction division, na hindi pa masabi kung aabot ang lava sa anim na kilometro kagaya ng nangyari noong Disyembre 29, 2009.
“It is hard to say because the lava could also split and branch out to other channels,” sabi ni Bornas.
Batay sa pagtaya, umaabot sa dalawang mil-yon na cubic meters ang umaagos ng lava kada araw.

Read more...