China nangungunang pinagkukunan ng droga — PDEA

SINABI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nananatili ang China sa nangungunang pinagkukunan ng iligal na droga sa bansa.
Idinagdag ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na laganap pa rin ang laboratoryo ng shabu sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Mula Hulyo 2016, nakakumpiska na ang PDEA ng mahigit 2.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.24 bilyon, ayon pa sa PDEA.
Sinabi ni Carreon na nagsimula na rin ang mga Mexican drug syndicate na magpasok ng iligal na droga sa Pilipinas sa pamamagitan ng koreo.

Tiniyak ni Carreon na patuloy na nakikipag-ugnayan ang PDEA sa Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) para mapigilan ang pagtatangka ng mga drug cartel na magdala ng droga sa bansa.

Read more...