Sunshine kay Macky: Tanggap siya ng mga anak ko!

MACKY MATHAY AT SUNSHINE CRUZ

DALAWANG taon na pala ang relasyon ni Sunshine Cruz sa negosyanteng si Macky Mathay. At ayon sa aktres, wala pa ring nagbabago sa ugali ng kanyang boyfriend simula noong magkakilala at maging sila.

Sa panayam ng Magandang Buhay, sinabi ni Sunshine kung ano ang isang bagay na talagang naa-appreciate niya kay Macky, “’Yung iba ‘di ba kapag nanliligaw, may best foot forward? Kapag nanliligaw lang sobrang effort at sobrang bait, pero kapag na-in love ka na rin, nagbabago.

“Ang kagandahan kay Macky, ever since, pinakita niya kung sino talaga siya. Hanggang ngayon, ‘yun pa rin siya,” aniya.

Natutuwa rin siya na botong-boto at suportado ng kanyang mga anak ang relasyon nila ni Macky.

“Very important sa akin na tanggap siya ng mga anak ko. Kahit naman noon na may nanliligaw or nagpapa-cute, ang usapan namin ng mga kids, magiging honest kami with each other. Lahat io-open up nila sa akin kung ano man ang gusto nila sabihin or ano ang nararamdaman nila. Ganu’n din ako,” sey pa ni Sunshine.

Dagdag pa niya, “I am very happy right now sa mga nangyayari. Tama na bago talaga tayo pumasok sa isang relationship, kailangan buuin natin ang sarili natin. Mahalin muna natin ang sarili natin. Eventually, merong someone special na darating na bigay talaga ni God for us.”

Read more...