Katrina 6 taon nang walang lovelife: Feeling ko hindi ko na kailangan ng lalaki!


SIX years nang walang lovelife ang Kapuso actress na si Katrina Halili at feeling niya hindi na niya kailangan ng lalaki sa buhay niya ngayon.

Ayon sa magaling na kontrabida ng GMA 7, masaya at kuntento na siya kung anong meron siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang personal life. Nais niyang ibuhos muna ang kanyang panahon sa trabaho at sa anak niyang si Katie.

“Siguro kasi mas naa-appreciate ko na ngayon lahat ng blessings sa buhay ko, ang pagmamahal na pamilya ko, ng mga friends ko kaya naiisip ko hindi ko na kailangan ng lalaki, sa ngayon.

“Kasi siyempre, hindi rin natin masasabi. But as of now, okay na akong mag-isa kasama ang anak ko,” ani Katrina nang makachika namin sa grand presscon ng bago niyang afternoon serye, ang The Stepdaughters kasama sina Megan Young at Mikael Daez.

Natanong din si Katrina kung hindi ba naghahanap na kapatid o kalaro ang anak niya, “Marami siyang nakakalaro kasi minsan dinadala ko siya sa mga kapitbahay. Yung magka-baby uli, siguro kapag 35 na ako baka meron na. Sa ngayon, enjoy at ipon muna. Pag okay na lahat saka ako magla-love life!”

Hirit pa ni Katrina, “Balewala na sa akin ang mga boys na ‘yan! Ha-hahaha! Sa totoo lang hindi ko na rin feel makipag-date. Parang feeling ko, waste of time. Sa ngayon, enjoy ko muna ang time ko for myself. Tsaka ang natutunan ko ngayon, napakasarap palang mahalin ang sarili.”

Samantala, magsisimula na ang The Stepdaughters sa Afternoon Prime ng GMA sa Feb.12 directed by Paul Sta. Ana. Kasama rin dito sina Glydel Mercado, Gary Estrada, Angelu de Leon, Allan Paule, Samantha Lopez, Sef Cadayona, Dion Ignacio at marami pang iba.

Read more...