Nadine: Today, I’m starting my healing…let go!


NGAYON pa lang daw nagsisimulang mag-move on si Nadine Lustre sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya noong nakaraang taon. Ito ‘yung pagpapakamatay ng kanyang kapatid.

Idinaan ng girlfriend ni James Reid sa Instagram ang kanyang mensahe at sana raw ay maraming ma-inspire sa kanyang post lalo na ang mga kabataang inaatake ng depresyon.

“Today, im starting my healing. I am listening. I hope sharing my stories and thoughts will help,” aniya.
Pahabol pa niya, “First thing I need you to do, LET GO.”

Ayon sa ulat, nag-suidice ang utol ni Nadine dahil sa matinding depression. Inamin din ng aktres na naranasan na rin niya ang ma-depress nang bonggang-bongga at nagtagumpay naman siya sa paglaban dito.

Read more...