Daytime talkshow ng JoWaPao sa GMA nagbabu na

PAOLO BALLESTEROS, WALLY BAYOLA AT JOSE MANALO

GOODBYE na sa ere ang The Beautiful Lolas show nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros last Friday. Pinalabas na pupunta sila sa States kasama si Alden Richards.

Pero sa totoo lang, in demand ang tatlong Lolas sa ibang bansa para mag-show nang magkakasama. May kumukuha sa kanila sa Hawaii at sa Canada.

Eh, may Eat Bulaga rin kasi ang JoWaPao kaya kadalasan ay tuwing Holy Week lang sila nakakaalis ng programa dahil Lenten drama ang madalas ipalabas sa noontime show.

Ang timeslot ng TBLS bago ang EB eh, babalik sa GMA Network. Ilang taon din itong napunta sa TAPE, Inc, bilang blocktimer sa oras na ‘yon.

Read more...