Angel ayaw makatrabaho si Neil Arce: Baka magkaroon pa ng kumplikasyon!

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

HANGGA’T maaari ay ayaw munang makatrabaho ni Angel Locsin ang kanyang boyfriend na movie producer na si Neil Arce.

Sa isang interview, sinabi ng Kapamilya actress na natatakot siyang magkaroon ng conflict sa pagitan nila ng binata sakaling gumawa siya ng proyekto sa film outfit ni Neil.

“Ayoko sana talagang magwork kami. Pero tingnan natin baka siguro isa ganun. As much as possible sana iwas muna kami. Baka ano, baka magkaroon ng komplikasyon,” sey ng aktres.

Pero hirit nito, “Let’s see, ha. Why not. Kung may naisip talaga kami na maganda talaga.”

Nang tanungin tungkol sa plano nila ni Neil sa Valentine’s Day, “Basta mag-spend ng time. Hindi kasi ako ma-event na tao. Basta kasama ko lang yung tao, okay na.”

Kamakailan ay nag-renew uli ng exclusive contract si Angel sa ABS-CBN at ibinalita niyang magkakaroon siya ng bagong pelikula at teleserye this year matapos magpaalam sa primetime series na La Luna Sangre.

“Malapit nang maluto, tinitimpla na ngayon ang teleserye tsaka ‘yung bagong pelikula. I think itong year target namin ‘yung year na ‘to. Pero sana hindi lang siya magsabay para matutukan. I’m very happy, I’m happy to have work na mahal ko at medyo matagal pa tayong magkakasama,” chika ng dalaga.

Excited din daw si Angel sa muli nilang pagsasama ni Richard Gutierrez sa isang project, “Kung ma-finalize si Richard at siya rin naman ang first choice ko. Eh di ba nag-transfer si Chard, ito na ‘yung opportunity ko na makatrabaho siya ulit.”

Read more...