Wonder dog ni Ruru sosyalera, may sarili na ring IG account


SOSYAL na si Siri, ang Golden Retriever dog na napapanod sa Channel 7 series na Sherlock Jr bilang pet dog ni Janine Gutierrez sa kuwento. Aba, meron na siyang social media account, huh!

Agad-agad ngang nag-follow ang netizens sa account ni Siri para mauna sa updates sa petmalu na alaga ni Ruru Madrid sa programa. Palagi kasing kasama ng aso sa kanyang Instagram stories si Ruru kaya maraming naaaliw.

Kung makulit ang antics ng aso sa series, makulit din ang bumoboses sa kanya na si Mikee Quintos.

Hirap man ang Kapuso actress sa pagboboses sa aso lalo na’t hindi niya nakikita ang eksenang kinunan, natutuwa naman siya sa natatanggap na magagandang feedbacks sa pagbibigay ng voice kay Siri, huh!

Read more...