Claudine hinding-hindi na babalikan si Raymart


SINAGOT talaga ni Claudine Barretto ang mga netizen na nagwi-wish na sana’y magkabalikan na sana sila ni Raymart Santiago.

Marami ang nagkomento sa litrato nina Claudine at Raymart na kuha sa moving up ceremony ng anak nilang si Sabina, at karamihan nga rito ay nagsabing bakit daw hindi na lang sila magbalikan para sa kanilang mga anak.

Isang follower ni Claudine sa Instagram (@lourdeszamora63) ang nagsabing, “Sana my one more chance just for d sake of children if there is. Hoping.”

Komento naman ni Claudine, “@lourdeszamora63 we r co parenting & thank u for wanting us to be together again, but its way much better this way. Salamat.”

Read more...