Destiny Rose ni Ken Chan humahataw sa Thailand

KEN CHAN

NGANGA man sa regular shows si Ken Chan after ng ginawang series na Meant To Beh last year, going places naman hanggang ngayon ang pinagbidahan noong Destiny Rose sa Thailand.

Umeere ngayon ang GMA series doon kaya naman si Ken, nagpasalamat sa patuloy na nagmamahal sa character na kanyang ginampanan.

“Hanggang ngayon, patuloy pa rin na nimahahal si Destiny Rose. Mula sa Pilipinas nakarating na siya sa Thailand kung saan ipinapalabas ngayon. Maraming salamat po mga Kapuso!” caption ni Ken sa video niya sa Instagram.

Super happy din ang naging co-stars ni Ken sa nasabing series gaya nina Manilyn Reynes at Fabio Ide dahil hindi lang mga Pinoy ang napapaligaya nila at nai-inspire nila sa kuwento ni Destiny Rose kundi .

Habang wala pang regular series, sa GMA News TV program na Day Off napapanood si Ken. Si Jak Roberto naman na kasama niya last year sa MTB, ginagawa na ang Kapuso afternoon series na Contessa with Glaiza de Castro habang si Ivan Dorschener ay ipapasok na sa The One That Got Away.

Read more...