Marian kay Karylle: Mas maganda talaga kapag pinaiiral mo ay love!


NANINIWALA si Marian Rivera na dumating na yung tamang panahon para muli silang magkita ni Karylle, ang ex-girlfriend ng asawa niyang si Dingdong Dantes.

Nagkrus ang landas nina Karylle at Marian sa isang event recently, bumeso ang misis ni Yael Yuzon sa Kapuso Primetime Queen at nag-hi naman kay Dong.

“Wala naman talagang problema sa akin since day one, e. Siguro ito ang tamang panahon na nagkita kaming dalawa. At masaya dahil nagbatian naman kaming dalawa at wala namang problema,” ani Marian sa panayam ng GMA.

Dagdag pa ng Kapuso aktres, “Mas maganda na good vibes lang at lahat magkakasundo at mas maganda talaga na pinaiiral mo ang love.”

Kung matatandaan, si Marian ang sinisi ng fans nina Karylle at Dingdong kung bakit nasira ang relasyon ng dalawa. Ito ‘yung panahong nagsama sila ng Kapuso Primetime King sa seryeng Marimar.

Read more...