Bianca, Kyline totohanan na ang tarayan, sampalan at sabunutan sa Kambal, Karibal


MARAMI ang nagtatanong kung totoo raw bang nagkakasakitan na sina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa mga eksena nila sa inaabangang GMA Primetime series na Kambal, Karibal.

Marami kasi ang nagkokomento na tila tinototoo na raw ng dalawa ang kanilang sampalan at sabunutan sa mga mabibigat nilang mga eksena sa Kapuso serye na hanggang ngayon ay patuloy pa ring humahataw sa ratings game.

Dahil inspirado sina Bianca at Kyline na lalo pang husayan ang kanilang pagganap sa Kambal, Karibal dala ng mga papuri na natatanggap nila mula sa viewers, sinagot ng dalawa ang tanong na ito ng mga viewers. Ani nila, ang sagot dito ay hindi.

Si Bianca, sinabing bago sila mag-umpisa, pinag-uusapan muna nilang mabuti kung magkakasakitan ba sila hindi para iwasan ang mga sampal o sabunot kundi para maramdaman yung sakit.

Samantala si Kyline naman, binigyang importansya ang koneksyon dahil ito lang daw talaga ang itinuturing niyang sikreto para maging natural na natural at makatotohanan ang kanilang mga eksena.

Read more...