SUV vs. trike: 2-anyos patay; baby, 3 pa kritikal

Nasawi ang 2-anyos na batang babae habang malubhang nasugatan ang isang sanggol at tatlo pa katao, nang salpukin ng sports utility vehicle ang sinakyan nilang tricycle sa Nueva Vizcaya, iniulat ng pulisya,
Dead on arrival sa ospital ang batang si Zyren Jen Castillo, residente ng bayan ng Bagabag, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.
Malubhang nasugatan ang tricycle driver na si Elmer Magday, 41, at iba pa niyang pasaherong sina Jefferson Castillo, 33; Zaina Marie Collado, 18; at Lhiane Rose Castillo, 5-buwan.
Nasalpok ng Jeep Grand Cherokee (AIA-1108) na dala ni Wilfredo Ramos ang tricycle na sinakyan ng mga biktima, dakong alas-4 ng umaga nitong Huwebes.
Minamaneho ni Ramos ang SUV patungong Tuguegarao City, Cagayan, at nag-overtake sa isa pang sasakyan kaya nasalpok at nakaladkad pa ang kasalubong na tricycle, ayon sa pulisya.

Read more...