Isinilbi kay Rommel Salinas, isang sekretarya ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang arrest warrant para sa frustrated murder, sabi ni Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Northern Mindanao regional police.
Isinilibi ng mga tauhan ng Ozamiz City Police Station at Army 10th Infantry Battalion ang warrant sa Bernard Subdivision, City Hall Drive, Brgy. Aguada, dakong alas-11 ng umaga Huwebes, aniya.
“After the hearing, sinerve ‘yung other warrant of arrest sa kanya,” ani Gonda.
“Sa court po in-implement ang warrant. Hearing po kasi ni Salinas kahapon,” sabi naman ni Senior Insp. Julie Garcia, tagapagsalita ng Misamis Occidental provincial police.
Ayon kay Gonda, inisyu ni Surigao City Branch 32 Judge Dan Calderon ang naturang warrant noong Oktubre 21, 2013, at nagrekomenda ng P200,000 piyansa para dito.
Maitapos masilbihan ng warrant, dinala si Salinas sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Tinago, ani Gonda.
Si Salinas, na ayon sa mga awtoridad ay pinuno ng Section Committee “Sendong” ng Western Mindanao Regional Party Committee, ay unang inaresto noong Mayo 11, 2017 sa checkpoint sa Brgy. Gango, doon din sa Ozamiz.
Dinala din sa presinto ang mga kasama niyang sina Bishop Carlo Morales ng Iglesia Filipina Independiente, ang asawa ng huli na si Maria Teofifina Morales, at driver nilang si Sadome Dalid, para sa pagtatanong.
Nakuhaan kasi noon si Salinas ng granada, habang sa kanilang sasakya’y may natagpuang mga cellphones, sari-saring SIM card, baterya, prepaid phone cards, tablet computer, mapa ng Misamis Occidental, itak, at P80,000 cash, na pinaniniwalaang para sa mga kasapi ng New People’s Army, ayon sa militar.
MOST READ
LATEST STORIES