LUMAYAS ka! Layas! Taong uhaw sa dugo at walang silbi. Sinisingil na sa iyo ngayon ang lahat ng dugo. Narito na ang pagbagsak mo sa uhaw sa dugo. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 S 15:13-14, 30; 16:5-13, Slm 3; Mc 5:1-20) sa ikaapat na linggo ng taon.
Hacienda Luisita, Luneta hostage, Mamasapano, Dengvaxia. Danak ng dugo. Tigmak ng dugo ang mga kamay (blood in your hands). Naganap ang mga ito habang “Matuwid ang Daan” at ang mga namatay ay ang kanyang mga boss at bisita. Si GMA na (raw) ang pinakatiwaling tao; bakit di tigmak ng dugo ang kanyang mga kamay? Ang parusa ng langit ay nagsisimula na. At tanging ang matataas na rehas ng tarangkahan sa Times st., ang makapagliligtas sa kanya.
Pro-Noynoy Aquino pala si Dick Gordon. Sa hearing sa kanyang komite, walang bakas ng galit si Gordon sa nagsisinungaling at nagmamaang-maangan na si Noynoy. Pero kina Garin at Faeldon, nakaangil at nakasigaw si Gordon. May tinititigan at may pinakikinggan. Kawawa naman ang mga biktima ni Noynoy, kaluluwa na nga lamang, api pa rin.
I love you Mocha (walang pagnanasa), tulad ng atas ng Santissimo Trinidad sa bawat isa, makasalanan man o hindi, kakampi man o kaaway, magmahalan tayo. Pinaalalahanan ng langit si Mocha nang ilipat niya ang Mayon sa Naga. Bukod sa Corinto at San Lucas, ibinibaba ng Banal na Kapangyarihan ang mapagmataas at sa Peb. 14, paaalalahanan na alabok lang siya. Magpakumbaba, alisin ang yabang. Yan ang turo sa Dominicanong UST.
Sa aking tala, nakaka-3 na ang UST. Sinabi ng UST noon na wala silang papel sa pagkakapaslang sa isang estudyante nila na nagbulgar ng anomalya sa ROTC; ikalawa, wala rin daw kinalaman ang unibersidad sa pagkakapaslang kay Atio Castillo; at wala rin itong kinalaman sa pagkilala kay Uson. Dapat may monumento ni Pilato sa UST.
Totoo pala, ayon kay Cong Hunyango, na babangon ang LP dahil ito ang nais ni Aquinong matuwid. Kapag nakabangon, at nakabalik sa poder, ang LP, ang unang aarestuhin ay si Cong Hunyango at siya’y ikukulong sa Manila City Jail. Doon na siya mabubulok dahil pangingitlogin ang kanyang kaso, na mas matindi pa kesa kay GMA.
Ang malambot at malasadong Tokhang 2 ang simula ng kabiguan ni Digong sa gera kontra droga. Sa kanilang tinokhang, pinaikutan at nagsinungaling lang ang kanilang kinatok. Walang napala. Mas lalong nakapagyayaot ang mga tulak at adik. Ang adik ay hindi sinusuyo dahil sinaniban na ito ng demonyo at kahit ang pinakamagaling na exorcist, si Fr. Jocis Syquia, ay hindi na ito kayang iligtas. Ang adik ang siyang yumayakap sa demonyo. To see is to believe; manirahan sa North Caloocan.
Napakabigat ng bintang ni Sandra Cam kay Bong Pineda. Sana’y patunayan niya ito dahil matindi ang galit sa kanya ngayon ng Pampanga. Maluha-luha si Nanay sa pakiusap kay Sandra hinggil sa binibitiwang akusasyon. Naghihintay din ang bayan kung may ebidensiya ka nga laban kay BP. Ilabas mo yan at isampa ang kaso sa husgado.
Matagal nang huminto si Tom Cat sa ilegal, bukod sa patay na rin ito. Pero, nakatatak (bilang sticker) pa rin ang Tom Cat sa mga video karera at iba pang ilegal. Si Tom Cat pa rin ba ang promotor? Inihabla ba ng mga pulis si Tom Cat? Madaling ibagsak ang sisi kina Tom Cat at Bong Pineda. Ang nagbibintang nang mali ay lumalabag sa Ika-Walong Utos ng Diyos.
PANALANGIN: Tulungan Mo pong limutin ko pansamantala ang mga bagay-bagay ukol sa aking pagkatao. Salamat sa pagkakataon na ako’y nagpapakumbaba sa harap Mo. Panalangin sa Pag-iisa Kasama ang Diyos sa harap ng Santissimo Sakramento, Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.
MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit mabagal ang road construction from Buluan to Datu Paglas? Nasaan ang pondo, Gov. Toto Mangudadato? …3362
8 kms lang ang ginagawang Buluan-Datu Paglas Road at 2 yrs na, di pa tapos. Sec. Villar, imbestigahan mo ito. Jake M, …3704