KUNG may isang local celebrity na laging nabibiktima ng matinding traffic sa EDSA, ‘yan ay walang iba kundi si Anne Curtis.
Habang naiipit sa malalang trapik, nakapag-isip ang TV host-actress ng ilang solusyon kung paano maiibsan kahit paano ang problema ng bansa sa trapik.
Sa kanyang Twitter, nag-post si Anne ng, “As I sit in the traffic on Edsa, I can’t help but wonder what it would be like if we had the sky walk along Edsa.
“I see people walking on our somewhat footpath, imagine if we had a decent walkway all along Edsa?
“North to South. That’s probably a good 12-15km walk? I don’t think people would mind walking if it’s clean and safe.
“I would probably end up running to work in the morning if we had one. #Hopeful,” dagdag pa ni Anne.
Ibinahagi rin ng It’s Showtime host ang na-experience niya sa sky walk sa Bangkok, Thailand na connected sa mga mall, train station at ilang malalaking hotel doon.
“During my recent trip to Bangkok, I got to experience their sky walk. You just walk one level up to catch the sky train. I took the 30mins walk to the mall. As in straight from hotel then mall using the sky walk. Wala Lang. Ang saya Lang. Sana tayo din.”
Noong Jan. 16, nag-tweet din si Anne tungkol sa matinding traffic sa EDSA, aniya, “Dear Traffic sa Edsa, Ang lala na po. Nakakasad. Love, Me!”