Glaiza, Thea walang keber na nagpaka-fangirl sa One OK Rock

GLAIZA DE CASTRO AT THEA TOLENTINO

NAKISABAY sina Glaiza de Castro at Thea Tolentino sa pakikipagrakrakan sa dumagsang fans sa katatapos na concert ng Japanese rock band na One Ok Rock sa MOA Arena kamakailan.

Wala silang pakialam na nagpaka-fan girl sa grupo dahil namataan pa silang nagpapa-picture sa members ng rock band.

Sa post ni Glaiza sa Instagram, ibinahagi niyang bawing-bawi siya sa pagpunta ng grupo sa bansa. Nu’n kasing pinanood niya ang grupo sa Japan, halos hindi niya nasilayan ang members ng banda.

“Sobrang surreal na ma witness ng live yung Mighty Long Fall na napapanood ko lang dati sa YouTube.

May hangover pa ako obviously waaaaah!” caption ni Glaiza sa kanyang IG post.

Sey naman ni Thea, “Usually hindi ko naalala yung feeling ng nararamdaman ko sa mga concert na napuntahan ko pero grabe iyung kagabi. Malalang hangover ‘to dahil hanggang ngayon kahit sa isip ko lang tumutugtog ang kanta, napapa-headbang pa rin ako! Maraming salamat @oneokrockofficial.”

Todo pagmamalaki nina Glaiza at Thea sa pagkakaroon ng ticket (o pass) sa concert dahil maaga silang pumila.

Read more...