Batang may sakit na leukemia tinulungan ni Sharon na magbenta ng baked cookies

SHARON CUNETA

NAKASENTRO naman ngayon ang panawagan ni Sharon Cuneta na tulungan ang batang lalaki na si Glenn na sumasailalim sa chemo dahil sa sakit na leukemia.

Sa post ni Christine Babao nakita ang tungkol dito kaya naman matapos humingi ng permiso, ni-repost ‘yon ni Shawie.

Nagbebenta ng homebaked cookies si Glenn sa halagangg P50 para sa anim na piraso. Sa mga gustong umorder, tumawag sa 0917-5083287 o 09175470438. Pangarap din ng bata na maging teacher.

Pagdating sa pagtulong, hindi talaga matatawaran ang kabutihan ng puso ni Shawie. Pinaalalahanan pa niya ang bata na mag-isip ng masasayang pangyayari kapag sumasailalim siya sa chemo.

Read more...