10-anyos di binigyan ng pang-computer games, nagbigti

Nagbigti ang 10-anyos na batang lalaki sa San Jose, Occidental Mindoro, dahil umano hindi binigyan ng perang panlaro ng computer games, ayon sa pulisya.
Natagpuan na lang na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay ang bata, dakong alas-7:30 ng gabi Martes, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Dinala pa sa San Jose District Hospital ang bata, na isang grade 4 pupil, ngunit idineklarang patay ng doktor.
Agad nagtungo ang mga miyembro ng San Jose Police sa naturang pagamutan nang maiulat sa kanila ang insidente, ani Tolentino.
Napag-alaman na bago ang insidente’y humingi ang bata ng pera sa kanyang ina upang makapaglaro ng computer games, pero tumanggi ang huli, aniya.
Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbibigti ng bata, ani Tolentino.

Read more...