Nalunod ang 68-anyos na lalaki matapos maanod habang nangunguha ng kangkong sa isang ilog sa Asingan, Pangasinan, nitong Martes.
Narekober ng mga pulis at bumbero si David Resulto alas-2:55, pero wala nang buhay ang matanda, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga, sa ilog na nasa Zone 6, Brgy. Cabalitian.
Naiulat ito sa mga otoridad pasado alas-12 na ng tanghali.
Sinabi sa pulisya ng isang residente na nakita niya pa si Resulto na nangunguha ng kangkong, pero bigla tinangay ng malakas na agos ng tubig.
MOST READ
LATEST STORIES