Lolo nalunod sa kangkungan | Bandera

Lolo nalunod sa kangkungan

John Roson |January 31,2018
facebook
share this

Lolo nalunod sa kangkungan

John Roson - January 31, 2018 - 03:51 PM
Nalunod ang 68-anyos na lalaki matapos maanod habang nangunguha ng kangkong sa isang ilog sa Asingan, Pangasinan, nitong Martes. Narekober ng mga pulis at bumbero si David Resulto alas-2:55, pero wala nang buhay ang matanda, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga, sa ilog na nasa Zone 6, Brgy. Cabalitian. Naiulat ito sa mga otoridad pasado alas-12 na ng tanghali. Sinabi sa pulisya ng isang residente na nakita niya pa si Resulto na nangunguha ng kangkong, pero bigla tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending