May separation pay ba ang nag-resign?

MAGANDANG araw po. Ako po si Jelane.

May ilan lamang po akong katanungan.

Ako po ay may dalawang taon na sa pinapasukan ko.

Pero eto na po ang huling araw ko sa trabaho. Nag-resign po kasi noong last Dec. 20. Ang akin lang pong tanong ay kungmakukuha po ba akong seperation pay sa pag re-resign ko.

Maraming salamat po.

REPLY: Sinumang manggagawa ay may karapatan na bayaran sa pagkakahiwalay sa trabaho katumbas ng isang (1) buwang sahod para sa bawat taon ng serbisyo.

Ang panahong di-kukulangin sa anim (6) na buwan ay dapat ituring na isang (1) buong taon, kung ang dahilan ng pagkakahiwalay sa trabaho ay ang mga sumusunod:

1. Paglalagay ng mga kagamitang makakatipid sa trabaho na hindi na kinakailangan ang mga serbisyo ng mga manggagawa.

2. Labis na tao, o kaya ang posisyon ng manggagawa ay kalabisan o hindi kinakailangan sa pagpapatakbo ng operasyon ng establisimento o negosyo.

3. Hindi na maaaring maibalik sa dating posisyon sa trabaho o kahalintulad na posisyon sa dahilang hindi kasalanan ng maypagawa, katulad kung ang utos ng maykapangyarihan ay hindi masunod dahil nagsara o natigil na ang operasyon ng establisimento ng maypagawa o kaya ang babalikan niyang posisyon ay wala na at walang ibang kahalintulad na posisyon na maibibigay sa Information and Publication Service

Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...