Maine nag-sorry sa pag-unfollow kay Alden sa IG: Napindot lang!

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

GUMAWA ng ingay sa mundo ng social media ang pag-unfollow sa Instagram nni Maine Mendoza sa kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

May netizens na nagsabing gumigimik na naman daw si Maine para muling pag-usapan at magpakakontrobersyal. May nagkomento naman na baka raw na-hack ang IG account ng dalaga.

Napahayag naman ng kalungkutan ang AlDub fans nang malaman nila ang tungkol dito, pero may mga nag-away-away ding fans nina Alden at Maine.

Reaksyon ng isang netizen (@setmainefree), “Why bash Maine Mendoza? Big deal nag unfollow lang!

Ito ngang fan leader ni Alden Richards na si NaughtyNate nagtweet ng nega sa premiere ng movie nila Alden & Maine, tapos TODO DENY KESYO NA HACK DAW TWITTER NIYA! ulol! SINO NILOLOKO MO?”

“Marami akong nababasa na puro CRYPTIC. Pero di gagawin nina Maine & Alden na iwan nila ang isa’t isa, sa career man o personal na buhay. Yung unfollow issue, di na BIG DEAL sa fans. We’ve learned from the OL ever since. Pinapalaki lang ng iba. #ALDUBGodBlessYouBoth!” post naman ni @JPValdez2015.

Hirit naman isa pang fan ni Maine, “Bakit kayo nanggagalaiti sa pag unfollow ni Maine kay @aldenrichards02? Krimen ba ‘yun? #Isyupamore!”

Nang makarating kay Maine ang balitang nagkakagulo na sa social media dahil sa pag-unfollow niya kay Alden sa IG, agad siyang nag-post ng mensahe sa kanyang Twitter account at nag-sorry. Aniya, hindi raw ito intentional.

Tweet ni Maine, “No bad blood here. Napindot lang talaga. Sorry na. Happy fiesta!”

Read more...