Kotse bumangga dahil sa ipis

DAHIL sa takot matapos makita ang gumagapang na ipis sa loob ng kanyang kotse, naibangga ng isang 61-anyos na babae ang kanyang sasakyan sa isang overpass sa Jurong East Central, Singapore noong Biyernes.

Makikita sa mga litrato na ipinost sa Facebook ang isang pulang Mazda na nayupi matapos ang pangyayari.
Sinabi ng pulisya na inalerto sila kaugnay ng aksidente na kinasasangkutan ng isang kotse sa Jurong East Central, papuntang Science Centre Road, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Dinala ang babae sa Ng Teng Fong General Hospital.

Nagtamo ang babae ng mga bahagyang sugat.
Ayon sa ulat, nagulat ang babae nang makita ang ipis sa loob ng kanyang sasakyan, dahilan para mawalan ito ng kontrol.

Dumating ang kanyang anak na lalaki matapos ang aksidente.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Read more...