Jodi Sta. Maria muling pinatunayan ang pagiging ‘best actress’

JODI STA. MARIA

NAG-TRENDING topic sa Twitter ang Sana Dalawa Ang Puso pilot episode na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla.

Kuwela ang unang episode dahil ipinakita agad ang dalawang magkaibang character ni Jodi as Mona na lumaki sa sabungan, at Lisa, isang strong-willed woman na career-driven. Dito muling pinatunayan ni Jodi ang pagiging versatile actress.

Their disparate characters showed the rich and the poor demeanors. Palaban sa buhay si Mona bilang lumaki siya sa hirap. Naniniwala siya sa one time, big time motto. Si Lisa naman ay focused sa kanyang career as head ng cosmetic company who was tasked to make profit at manguna sa market ang kanilang company.

Hindi tinipid ang production value. Lisa lives in a multi-layered white manse habang si Mona naman lives in a simple house. Take note, Gucci lang naman ang bag ni Lisa.

Ipinagkasundo si Lisa ng kanyang ama para kay Richard Yap (Martin) pero mukhang hindi ito ang tipo niya.

Read more...