Jodi umamin na: Naibigay ko na kay Jolo ang puso ko!


MARAMING pinakilig si Jodi Sta. Maria sa mga naging pahayag niya tungkol sa kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.

Ito kasi ang unang pagkakataon na naging bukas ang Kapamilya actress sa nararamdaman niya para kay Jolo.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Jodi sa Tonight With Boy Abunda tinanong siya ng, “Kung dalawa ang puso mo, kanino mo ibibigay?”

Nahihiya pang sumagot nu’ng una ang aktres pero sinagot din niya ito, “Sa Kuya ko and…first time sasabihin ko na naibigay ko na sa kanya yung puso ko, kay Jolo…wala talaga akong ibang maisip but I have to say it.”

Nagkuwento rin si Jodi tungkol sa friendship na nabuo sa pagitan nila ni Iwa Moto, ang bagong partner ng ex-husband niyang si Pampi Lacson.

“It’s not naman na in a snap of a finger everything happened. Hindi ganun e. It was a process also. But it all started, this beautiful friendship started with forgiving. It all started with forgiveness. When we have forgiven each other for our mistakes then that paved the way to a beautiful relationship,” sey ng lead actress sa bagong daytime series ng ABS-CBN na Sana Dalawa Ang Puso.

Dugtong pa niya, “Ito ang klase ng friendship na wala ka nang mahihiling. Alam mo yung punong-puno siya ng pagmamahal at ng respeto. And nandun kami sa punto na kaya namin pag-usapan kahit na ano.”

Read more...