Kris nagpagawa na ng 2 Filipiniana para sa pagkikita nila ng anak ni JFK

KRIS AQUINO

SA ginanap na launching ng Healthy Family Purified Water ay natanong si Kris Aquino kung paano niya napapanatiling makinis at fresh ang kanyang kutis.

Nabanggit ni Kris na noon pa man ay malakas na siyang uminom ng tubig kaya sakto ang pagkuha sa kanya bilang endorser at brand partner ng Healthy Family mula sa Manila Waters na pag-aari ng Ayala Corporation.

Say ni Kris, “Aside from getting eight hours of sleep every night, I really drink a lot of water, normally I consume at least 10 bottles a day, but kung working na, umaabot ng 12 to 16 (bottles) because you have to keep your throat hydrated. I drink room temperature or warm water.

“And naaliw lang ako talaga because when they brought the water, I said, ‘ay masarap kasi madulas and I do believe that water really, really gives you good skin kasi it really helps kasi napu-purify ka, naki-cleanse ka,” kuweto ng Queen of Social Media.

Samantala, nagkatawanan ang lahat ng nasa presscon sa kuwento ni Kris na nasa bucket list niya ang maging endorser or business partner ang Ayala Corporation.

“This is another check on my bucket list because I had deals with almost the big billionaire families, but I have no Ayala deal. So nu’ng nalaman ko na Manila Water and owned by Ayala, sabi ko, ‘Thank you God, nakumpleto na!’ Sabi ko na lahat ng nandoon sa Forbes list na ‘yan isa-isa ko silang na-check.

Check-check na, thank you God,” kuwento ni Kris sa ginanap na contract signing kasama sina Geodino V. Carpio, President of Manila Water Total Solutions at Sharon Marcial, General Manager ng Healthy Family Purified Water.

Natuwa pa si Kris nang malaman na sa halagang P90,000 ay pwede ka nang magkaroon ng sariling water refilling station. Sa mga gustong mag-franchise, bisitahin ang www.healthyfamily.com.ph or sa Facebook page www.facebook.com/healthyfamilyph.

Naikuwento rin ni Kris na kaya raw siya pinagkakatiwalaang kuning brand partner at endorser ay dahil sa kanyang loyalty.

“I think because of loyalty, I don’t think I would be able to get all of these brand partnerships and the endorsements kung na-feel nila na binayaran lang nila ako at sumipot ako sa event pero hindi ko talaga ginagamit (yung produkto),” katwiran ni Kris.

q q q

Samantala, makikilala na rin finally ni Kris si Caroline Kennedy ang anak nina dating US President John F. Kennedy (JFK) at First Lady Jacqueline Bouvier Kennedy Onassis dahil inimbita raw siya ng pamilya para sa isang event.

Si Caroline ay naging diplomat na nagsilbi bilang US ambassador to Japan mula 2013 hanggang 2017, isa rin siyang author at abogada.

Natatawang kuwento nga ni Kris, sabi raw ni Bimby, isa sa puwede nilang pag-usapan ni Caroline ay hawig sila ng kuwento sa buhay dahil ang nanay nito ay namatay din sa cancer at ang tatay nitong si JFK ay na-assasinate rin tulad ng ama niyang si Ninoy Aquino.

“Si Bimb, nakakaloka, sabi niya, ‘O, Mom, you can say both your dads were assassinated.’ Sabi ko talaga, ‘Bimb!’ Yung parang, ‘Oh my God.’ Sabi ko, ‘Bimb, I don’t think that will be our topic.’

“Pero yung sa kanya kasi is really a matter of fact and history. Pero sabi ko, ‘In fairness, talagang alam ng anak ko.’ And then, sabi niya, ‘You can also say that both your moms had cancer.’ Sabi ko, ‘Bimb, stop it!’”

“Bilib na bilib ako dahil yung son niya, nag-speech noong inu-honor nila si (former US President Barrack) Obama. I’m not sure kung sa Harvard or Yale, but he was so impressive and so cute. So, siya yung life peg ko para kay Bimb.”

Excited na si Kris sa pagpunta sa event, “Nagpagawa na ako ng tamang Filipiniana, ibang levels. Sabi ko, may isang bihis na bihis, may isang semi-bihis lang na Filipiniana. Wala lang, na-excite lang ako talaga.

“And the fact na it came from her that she wanted to meet us talaga, kilig na kilig talaga ako. Kung lumaki ka the way na lumaki ako, na ang maririnig mo paulit-ulit from your dad was Mahatma Gandhi, JFK, and Martin Luther King, the fact na mami-meet mo yung daughter is talagang so exciting,” tuwang-tuwa pang pahayag ni Kris.

Read more...