TULAD ng nasabi ni Ruru Madrid, tila na-love at first sight din ang mga manonoog sa inspiring story ng pinakabagong serye ng GMA na Sherlock Jr.
After kasi ng pilot episode nito nitong nakaraang Lunes, hindi maikakaila na pinag-usapan agad ito ng viewers and netizens lalo na ang sweet moments nina Jack (Ruru) at Irene (Janine Gutierrez) na talaga namang effortless sa pagpapakilig.
Pero ang pinakanakakuha talaga ng atensyon ng viewers ay ang cute na wonder dog na si Siri a.k.a. Serena at ang away-bati nitong relationship with Irene’s boyfriend na si Jack.
Siguradong ito na ang magiging pinakabagong favorite show ng mga Kapuso na kanilang tututukan every night sa GMA Telebabad. Bukod kasi sa kwento nitong nakaka-good vibes, ipinapakita rin nito ang value ng relationship ng tao at ng kanilang mga pets.
Komento nga ng isang nakapanood sa pilot episode nito last Monday, “Nakaka-relax at nakakabilib talaga ang gawang Kapuso! Congratulations, GMA! Nakuha n’yo na naman ang kiliti ng mga viewers, mula sa mga bata hanggang sa mga parents! Like na like ko rin si Siri dahil dog lover din ako!”
Kasama rin sa Sherlock Jr si Gabbi Garcia bilang leading lady din ni Ruru na tutulong sa kanya sa paglutas sa ilang misteryosong kaso na kanyang iniimbestigahan bilang journalist.
Kasama rin sa seryeng ito sina Ai Ai delas Alas, Tonton Gutierrez, Andre Paras, Sharmaine Arnaiz, Kate Valdez, Roi Vinzon, Matt Evans at marami pang iba, sa direksyon ni Rechie del Carmen.
Si Mikee Quintos naman ang nagbigay ng boses sa wonder dog na si Siri.
Samantala, malapit na ang Valentine’s Day, pero para kay Ruru, araw-araw dapat ay Araw ng mga Puso.
Hindi kasi nagse-celebrate ang binata ng V-Day dahil nga sa pagiging Iglesia Ni Cristo, pero aniya, napakaganda naman ng ibig ipakahulugan nito sa bawat tao.
“Puwede mo namang gawin araw-araw yun, hindi mo na kailangang gawin sa Valentine’s Day. Sa akin kasi, ang concept ng Valentine’s Day ay para ipa-feel mo sa kanya kung gaano mo siya ka-love sa araw na yun.
“Pero bakit du’n lang, bakit du’n lang sa araw na yun, why not everyday?”