Labi ni Direk Maryo paglalamayan ngayong gabi sa Loyola


NORA Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Richard Gomez at marami pang iba. Ilan lang ‘yan sa mga artista nating ginabayan ni direk Maryo J. delos Reyes nu’ng nabubuhay pa siya.

Ang biglaang pagpanaw ng premyadong director ang unang malungkot na balita sa unang buwan ng 2018. Wala kasing nabalitang meron siyang karamdaman para bawian ng buhay.

Kung nagdadalamhati ang ilan nating senior stars sa pagkamatay ni Direk, higit na apektado ang talent niyang si Ruru Madrid. Sa airport huling nagkita ang dalawa habang papunta sa Iloilo ang Kapuso actor.

Walang hinala si Ruru na ‘yun na pala ang huli niyang yakap sa kanyang tatay-tatayan. Hindi na rin kasi mapapanood ni direk Maryo ang bagong series ni Ruru na Sherlock Jr, kung saan bidang-bida na ang Kapuso actor.

Para sa mga kaibigan ni direk Maryo, ngayong gabi, Martes, ang simula ng lamay niya sa Loyola Commonwealth Chapel sa Q.C..

Read more...