Kris milyones ang babayaran kapag pinakasalan si Bistek


MILYONES ang babayaran ni Kris Aquino sa mga kumpanya at produkto na kanyang ineendorso kung sakaling magpapakasal siya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito ang inamin ng Queen of Social Media & Internet sa harap ng entertainment media pagkatapos ng kanyang presscon bilang bagong celebrity ambassador ng cosmetic brand na Ever Bilena. Aniya, kapag nagpakasal siya kay Bistek o sa kahit sinumang politiko, malaki ang ibabayad niyang penalty sa mga multinational companies kung saan siya nakakontrata.

“To be perfectly honest talaga—several contracts have provisions that, if you end up with an elected official, may penalty. Because of the money trail, it will appear that they are paying somebody in elective office,” paliwanag ni Kris.

Iba rin naman daw ang kaso nang pumasok sa politika hanggang sa maging pangulo ang kanyang kapatid na si Noynoy Aquino, “Dati kasi nu’ng kay Noy, okay yun, kasi hindi conjugal, e. Magkapatid kami but we shared nothing.

“Pero ito, if we end up together (ni Bistek), even if I announced na, let’s say, mangarap na tayo – na-engaged, sauli yun! At hindi lang sauli, ha? Sauli ng pera ko na binayad sa akin, sauli ng production cost, and may penalty clause pa du’n sa mga mawawala sa kanila,” pahayag pa ni Tetay.

Kaya kung magkakatuluyan sila ni Herbert, talagang malaki ang kailangan niyang bayaran sa kanyang mga kontrata bilang endorser ng malalaking kumpanya.

Nang tanungin naman kung sa tingin niya ay handa nang magpakasal si Bistek, sagot ni Kris, “Alam mo, I don’t think he’ll ever be ready. When you reached 50 and you’ve never gotten married, I honestly don’t think you’ll ever gonna get married.”

Lalayo pa raw ba siya, e, nandiyan nga ang kanyang Kuya Noy na single pa rin until now, “Hello? How old is my brother? Perfect example! He is turning 58. Noy will be 58. Hello? Never kinasal. So alam na alam mo na.

“In my mind lang naman, ‘May kapatid kang ganyan, ‘wag ka nang mag-ilusyon. Dahil ganyan ang ugali. Di na talaga yan magpapakasal,’” hirit pa ng mommy nina Joshua at Bimby.

So, imposible na talagang magkabalikan sila ni Mayor Bistek? “I think, kasi, there are people na dapat i-friend mo na lang. Dapat i-friendzone n’yo ang each other. Because if you don’t do that, you’ll just end up hurting each other. So, I prefer not to talk about what went on in our past. Pero, it’s been a four-year journey.”

Samantala, ibinalita rin ni Kris na bilang bagong endorser ng Ever Bilena, very soon ay magkakaroon na rin siya ng sariling “makeup kit” na tatawaging “Kris’ Life Kits.” Actually, hindi pa talaga pwedeng sabihin ang tungkol dito pero binigyan na siya ng go signal ng EB CEO na si Deo Sy para ibandera ang good news.

Read more...