Mark Anthony naisipang mag-suicide sa kulungan

INAMIN ni Mark Anthony Fernandez na naisipan niyang magpakamatay habang nasa loob ng kulungan. Ito na raw yata ang pinakamatinding pagsubok na kanyang pinagdaanan.

“Hindi ko ma-accept iyong nangyari dahil talagang inosente ako. Hindi po ako dapat nandito,” ani Mark sa panayam ng Rated K last Sunday.

Isang taon ding nakulong ang aktor dahil sa drug case. Noong nakaraang Disyembre ay na-dismiss ang kanyang kaso kaya nakalabas siya ng kulungan ilang araw bago mag-Pasko.

Nangako naman si Mark na mas bibigyan niya ngayon ng panahon ang kanyang mga anak, lalo na ang kanyang panganay na si Grae Fernandez, na unti-unti na ring sumisikat ngayon, “Whatever he needs from he, I’ll always be a father to him.”

Read more...