Freshmen hahataw sa Valentine concert na ‘All We Need Is Love…Love Is All We Need’


KUNG gusto n’yong ma-inspire at lalong ma-feel ang love month, catch Freshmen’s pre-Valentine concert na may titulong “All We Need Is Love…Love Is All We Need”.

Isa ang Pinoy boyband na Freshmen sa mga grupo ng singers sa bansa ang talagang may malakas na staying power. Ito’y binubuo nina Sam Ayson, Patrick Abeleda, Thirdy Casa, Levy Montilla at Gerick Gernale na habang tumatagal ay mas lalong gumagaling sa live performance.

Pinalakpakan ng entertainment press ang grupo nang magpasampol sila sa nakaraang presscon ng “All We Need Is Love…Love Is All We Need” concert na magaganap sa Peb. 8 at 9, 8 p.m. sa Music Museum mula sa Today’s Production & Entertainment. Kinanta nila ang sikat na sikat na ngayong “Perfect” ni Ed Sheeran.

Ayon sa mga binata, isa ang “Perfect” sa mga maririnig sa concert nila, bukod pa sa ilang classic songs na pinasikat ng mga OPM icons.

Dahil sa galing ng Freshmen, hindi na rin nakapagtataka kung lagi silang isinasama ni Ms. Vicky Solis sa mga ipinoprodyus nilang concert. Bukod nga raw sa magagaling kumanta ang members ng Freshmen mababait pa raw ang mga ito at madaling kausap.

Kaya kung gusto n’yong maging happy and inspiring ang inyong Valentine month watch na ng “All We Need Is Love…Love Is All We Need” kung saan makakasama rin ang Philippine Madrigal Singers.

Ang ang Philippine Madrigal Singers o mas kilala bilang MADZ ay binubuo ng mga estudyante, faculty at alumni mula sa UP. At bilang Philippine ambassador of culture and goodwill, may pagkakataon silang makapagtanghal sa mga royalty at heads of state.

Kamakailan nga, nagwagi sila sa Grand Prix sa 64thInternational Choral Competition sa Arezzo Italy na nag-qualify sa kanila para sa European Grand Prix na ginawa naman sa Tolosa, Spain last year.

May special performance din sa fund raising concert na ito sina Bimbo Cerrudo, Nicole Laurel Asencio, Joey de Guzman at ang RLSAA Chamber Orchestra. Ito’y sa direksyon ni Dino Domingo.

Ang benefit concert na ito ay para sa iba’t ibang programa at proyekto ng Helping One Person Everyday (HOPE) Movement tulad ng Healing on Wheels, Food on Wheels, Home on Wheels, Justice on Wheels, Livelihood on Wheels at Art Workshop.

Para sa ticket, tumawag sa 0917-8118336/6542051.

Read more...