Occupational safety

DEAR Madam Liza,
Madalas po akong magbasa ng inyong kolum at nahihiwagaan po ako dito sa occupational safety. Kaya’t ito po ang nais kong itanong. Ano po ba itong occupational safety? Bilang isang kawani ng construction firm, mayroon po ba kaming benepisyo na matatanggap dito?
Wala po kasi akong idea kung paano ito mapapakinabangan ng katulad kong manggagawa. Wala rin pong nababanggit ang aming employer tungkol dito. Nabasa ko lamang po ito kaya’t gusto ko po sanang malaman ang mga benepisyo o ano pa mang maaaring mapakinabangan ng kagayang kong manggagawa.
Umaasa po ako na ito’y inyong mabi-
bigyang linaw. Mara-ming salamat po.
Gumagalang,
Jose Macabatas

REPLY: Ang Occupational Safety and Health Center po ay tumutugon sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa. kami po ay nagsasagawa ng mga training, information dissemination, pag-aa-ral/research at mga technical services upang masigurado po ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa lahat ng industriya.

Meron po tayong occupational safety and health standards na dapat sinusunod ng ating kumpanya. kung tayo po ay nasa construction, dapat po ay sumusunod po tayo sa department order 13.
Kasama po dito ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng safety officers (depende sa dami ng manggagawa) sa bawat shift at silang lahat ay dapat na mayroong construction safety and health training.
Ito po ay isang 40-hour training course na mandatory sa lahat ng safety officers na nagtatrabaho sa construction. dapat din na mayroong DOLE-approved construction safety and heath program ang anumang construction paroject bago pa man magsimula ang proyekto.

Kasama din sa DO 13 ang pagbibigay ng kumpanya ng tama at sapat ng personal protective equipment sa mga manggagawa tulad ng safety shoes, hard hat at full body harness.

Makikita po ang kabuuan ng DO 13 sa OSHC website: www.oshc.dole.gov.ph

Diana Joy G. Romero
Information
Officer III
Occupational Safety and Health Center

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Read more...