Jodi, Richard, Robin pakikiligin ang madlang pipol tuwing umaga

TODAY, before It’s Showtime na ang simula ng Sana Dalawa Ang Puso na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla. Muli nilang pakikiligin ang fans sa kakaiban nilang love story.

Ipinakitang lumaki sa sabungan si Mona (Jodi) na titibo-tibo. For the first time ay makikita niya si Martin (Richard)  at kaagad siyang magkaka-crush rito. Hindi niya inisip na makikita niya ulit ito bilang dayo lang naman ito sa lugar nila.

Ipinakita rin sa episode si Lisa (Jodi), mayaman, driven at head ng isang cosmetic company. Malalaman na nakipag-deal ang father niya at father ni Martin para sa isang arranged marriage set-up.

 

Read more...