Mga OFW atat nang mapanood muli sina Jodi at Ser Chief sa TV

SUNUD-SUNOD ang chat sa amin ng mga kababayan nating nasa ibang bansa dahil finally mapapanood na raw nila ulit sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso sa dating timeslot ng Be Careful With My Heart.

Ang lola naming nasa Chicago, Illinois na 88 years old na ay umuwi pa ng Pilipinas noong patapos na ang Be Careful With My Heart dahil gusto niyang magpa-picture kina Ser Chief at Maya, pero hindi pinalad na makapunta sa taping dahil malayo raw.

Kaya sobrang nalungkot ang aming lola Lilia Salonga dahil bumalik siya ng Chicago na hindi man lang nakita nang personal sina Jodi at Richard.

Sinabi namin sa kanya na kasama rin si Robin Padilla sa Sana Dalawa Ang Puso na mapapanood na simula ngayong umaga bago mag-It’s Showtime kaya natuwa rin si Lola Lilia dahil.naabutan rin daw niya ang action star noong nasa Pilipinas pa siya.

Anyway, sakto rin bilang soundtrack sana ng Sana Dalawa Ang Puso ang awitin ni Moira dela Torre na “Titibo-Tibo” dahil sa karakter ni Jodi bilang si Mona na lumaki sa sabungan pero kapag nakita naman ang kanyang super crush na si Richard bilang si Martin ay nagiging babaeng-babae.

At dahil sandali lang naman nakita ni Mona si Martin ay inisip niyang hindi na niya muling makikita pa ito kaya naiwan sa isipan niya ang magandang mukha ng aktor.

Ang kamukha naman ni Mona na si Lisa (si Jodi ri ) ay anak ng may-ari ng malaking kumpanya na ipakakasal naman kay Martin na matagal nang usapan ng kanilang magulang kaya pala sa unang episode pa lang ng serye ang kasalan agad.

Naku, tiyak na muling kikiligin ang supporters ng tambalang Richard-Jodi ngayong eere na ang kanilang reunion serye.

Read more...