Direk Maryo J. delos Reyes pumanaw; inatake sa puso habang nasa b-day party

PUMANAW na ang batikan at premyadong direktor na si Maryo J Delos Reyes Sabado ng gabi matapos atakihin sa puso sa isang beach resort sa Dapitan City. Siya ay 65 years old.
Ayon sa ulat na nakuha ng BANDERA mula kay Chief Insp. Helen Galvez , spokesperson ng Zamboanga Peninsula regional police, biglang nag-collapse ang direktor dakong alas-10 kagabi sa Yugo Restaurant Dakak Park and Beach Resort sa Brgy. Taguilon, Dapitan City.
Nabatid na inatake ang award-winning direktor habang nakikipag-sayawan sa kanyang mga kaibigan sa dinaluhang birthday party.
Agad na dinala sa Dr. Jose Rizal Memorial Hospital ang direktor ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Narito ang official statement mula sa manager ng direktor na si June Rufino: “It is with deep sadness that we inform everyone that our beloved Maryo J. Delos Reyes passed away at 10pm January 27, 2018. Details of his wake and funeral services to follow. We have loved him in life, let us not forget him in this time of sorrow.”
Si Direk Maryo ang nasa likod ng award-winning movie na “Magnifico” na nagpasikat kay Jiro Manio at sa iconic youth oriented film na “Bagets”  Siya rin ang direktor ng mga premyadong pelikula ni Nora Aunor, kabilang na ang “Naglalayag”  na kinabibilangan din ni Aleck Bovick at ng talent niyang si Yul Servo.
Ang huli niyang pelikulang ipinalabas noong 2016 ay ang “The Unmarried Wife” nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Paulo Avelino.

Read more...