Janella bagsak ang katawan, mall show, taping nakansela


HINDI makabangon si Janella Salvador matapos ang unang araw ng taping last Monday para sa episode ng isang weekly drama. Nakaramdam na siya nang hindi maganda habang nasa taping pero tinapos pa rin niya ‘yon.

Ayon sa handler ni Janella, umabot sa 39.1 ang fever niya na sinamahan pa ng sakit ng lalamunan. Hindi rin niya kinayang tumayo para pumunta sa ospital kaya nagpa-house call na lang siya ng doctor at med tech para gawin ang mga lab test sa kanya.

Pinayuhan si Janella ng doctor na kailangan ng bed rest ng two to three days at ‘yung test ay kailangang ulitin the following day. Dahil sa nangyari, nakansela ang taping niya para sa MYX kaugnay ng promo ng movie niyang “My Fairy Tail Love Story.”

Pack up din ang second day ng taping niya sa weekly drama kahapon. Pati ang isang event ngayong araw na ito ay kinansela dahil hindi pa rin kaya ng katawan niya.

Kaya naman sa mall show ng “MFTLS” ngayong Sunday sa Farmer’s Plaza, hindi makakarating si Janella dahil kailangan pa rin niyang magpahinga. Pero darating sina Elmo Magalona at Kiko Estrada upang pasayahin ang mga susugod doon.

Read more...