HELLO po, Assalamu Alaikum. Ako po si Karina dela Cruz, nag trabaho po sa Burger Machine as a crew ng five months. Hindi ko po natapos ang contract ko na six months dahil nag resign po ako. Ask ko lang po about sa last pay ko po kasama po dun ung buong sweldo ko ng kinsenas na nag kakahalaga ng P9,000+ po sa pag kakacompute ko. Hindi pa rin po nila naibibigay yun.
Lumagpas na po sa ipinangako nilang 3-4 months. Paano po kaya ang gagawin ko mam? Tulungan n’yo po ako sana makuha yun dahil pinaghirapan ko po yun. Maraming Salamat.
Karina dela Cruz
REPLY: Magandang hapon, Karina.
Walang nasasaad sa ating batas kung gaano katagal ang pagkuha ng last pay/back pay. Ang nabanggit lamang sa a-ting batas ay “last pay shall be received upon completing clearance within a reasonable period of time”. Kung ang naging kadahilanan ng employer mo at ang haba ng iyong paghihintay ay di na “reasonable” lalo pa’t lumagpas na pala ang itinakda nilang buwan, maaari kang lumapit sa DOLE field office na nakakasakop sa kumpanya upang humingi ng tulong sa pagkuha ng iyong back pay.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.