MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pang-iisnab daw ng Oscars kay ABS-CBN Chief Content Officer at award-winning actress na si Ms. Charo Santos-Concio.
May mga nagsasabi na karapat-dapat daw na ma-nominate ang beteranang aktres sa Academy awards dahil sa napakagaling na performance nito sa obra ni Lav Diaz na “Ang Babaeng Humayo”.
Isang magazine sa San Diego, ang City Beat, ang kumuwestiyon sa desisyon ng mga hurado na huwag isali sa listahan ng mga nominado si Ms. Charo.
“Consider the following list of superb, but unsung performances to be another frank reminder to all Oscar voters that cinema’s best spans far beyond the limited reaches of their DVD screener pile,” sabi sa artikulo.
“Rage, empathy, heartache, joy: This performance has it all,” dagdag pa ng sumulat.