Michael V may hugot sa mga miyembro ng LGBT

MICHAEL V

PATULOY pa ring humahataw sa ratings game ang Kapuso comedy show na Pepito Manaloto na talagang inaabangan ng manonood tuwing Sabado ng gabi.

Ngayong gabi, bibisita sa masaya at makulit na pamilya ni Pepito Manaloto ang Kapuso stars na sina Ina Feleo at Miggs Cuaderno kasama sina Keempee de Leon at Carlos Agassi.

Pag-uusapan nila rito ang isang kwento tungkol sa LGBT community. Ano kayang life lesson ang muling ibabahagi ng Manaloto family, lalo na ‘yung may mga kaanak at kaibigan na problemado sa kanilang sexual preference?

Kaya huwag aabsent tonight sa isa na namang nakakatawa at nakaka-inspire na episode ng Pepito Manaloto sa pangunguna nina Michael V at Manilyn Reynes.

q q q

Paalala: Para sa lahat ng mga fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador, nais ipaalam ng produksyon ng Maalaala Mo Kaya na hindi muna mapapanood ang kanilang espesyal na episode ngayong gabi tulad ng naunang nabalita.

Ia-announce na lamang ng MMK kung kailan ito eere para sa kaalaman ng mga manonood.

Read more...