John Melo naghahanda na para sa bagong album


MASAYANG bumalik sa Amerika ang beteranong singer na si John Melo matapos nitong i-celebrate ang kanyang 25th anniversary sa music industry at magbakasyon sa Pilipinas ng dalawang linggo.

Matapos i-release ang kanyang Christmas song nitong nakaraang holiday season na pinamagatang “Malapit Na Ang Pasko” na isinulat ng batikang kompositor na si Jimmy Borja, ay agad itong nagmarka sa ating mga kababayan lalo na sa mga kaibigan nating OFW. Nag-viral din sa social media ang music video nito matapos makakuha ng libu-libong likes at hits sa YouTube.

Maliban sa pagtugtog ng kanyang awitin sa iba’t ibang radio station, naging laman din si John Melo ng ilang bigating talk shows sa major FM and AM stations at ilang TV shows nang makauwi siya sa Pilipinas.

Malaki ang pasasalamat ni John Melo sa mga nagkagusto sa kanyang musika at sa kanyang mga loyal fans na patuloy na sumusuporta sa kanya kahit na mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas dahil tuloy pa rin ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Tuwang-tuwa rin si John Melo nang ikuwento ang bilang ng mga viewers ng kanyang awiting “Malapit Na Ang Pasko” sa kanyang Facebook fan page na JMelo Entertainment. Umabot na sa 1.3 milyon ang nakapanod ng music video, na kinunan pa San Francisco, California.

Dagdag pa ni John Melo, habang naglilibot daw siya sa Pilipinas, nasubukan niyang magtanong sa mga tao tungkol sa kanyang mga kanta, laking gulat din niya nang malamang tinutugtog na pala ang kanta niya sa mga probinsya at sikat na pala ito sa ating mga kababayan doon.

May inihahandang mga bagong awitin at album si John na ilalabas ngayong 2018.

Bukod dito, marami rin ang nakalinyang bagong business ventures kaya tiniyak niyang maraming matutuwang Pilipino lalo na ang mga nasa abroad.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanyang mga hit songs noong ‘90s sa mga piling istasyon ng radyo sa buong bansa tuwing Sabado at Linggo.

Read more...