Korean actor sa ‘Sungkyunkwan Scandal’ na si Jun Tae Soo pumanaw

PUMANAW si Jun Tae Soo,  ang nakababatang kapatid ng South Korean actress na si Ha Ji Won matapos makaranas ng depresyon, ayon sa ulat ng K-Pop Herald.

Naglabas ang agency ng aktor na Haewadal Entertainment kung saan inihayag nito ang pagkamatay ng isa sa mga aktor ng hit Korean drama na Sungkyunkwan Scandal.

Ayon sa kanyang agency, ginagamot si Jun dahil sa depresyon. Namatay si Jun sa edad na 33.

Nakababatang kapatid si Jun ng aktres na si Ha Ji Won, na nakilala sa hit na Empress Ki.

Nakilala naman si Jun sa KBS2 hit series na Sungkyunkwan Scandal noong 2010.

Naging bahagi rin si Jun ng “All My Love”, “It’s Okay Daddy’s Girl”,  at ang pinaka huli ay “The King’s Daughter, Soo Baek-hyang”.

Kinansela naman ni Ji Won ang kanyang mga iskedyul dahil sa pangyayari, kasama na ang promosyon ng kanyang pelikulang “Manhunt”.

Read more...