Sa halip kasi na sabihing nasa Albay ang Bulkang Mayon ay Naga ang nabanggit ni Mocha sa kanyang panayam.
Hindi lang mga ordinaryong mamamayan ang bumabatikos at nang-ookray kay Mocha kundi maging ang ilang kilalang celebrities.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang aktor na si Enchong Dee na tubong-Naga City ng, “Makauwi nga sa probinsya ko… balita ko may bago kaming bulkan #NagaCity.”
Ayon naman sa singer-comedienne na si Ethel Booba, “Sa sobrang gulo ng Pilipinas yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!”
Ito naman ang reaksyon ng international singer-actress na si Lea Salonga, “With all due respect, we can’t change geography. That is all.”
Nauna nang nag-sorry si Mocha sa kanyang pagkakamali, aniya, “Pasensya na po, tao lang, nagkamali.”
Nang makarating naman sa mga miyembro ng Mocha Girls ang tweet ni Enchong, ipinagtanggol nila si ASec sa pamamagitan ng kanilang Facebook page. Ipinost nila ang screenshot ng post ni Enchong at niresbakan ang aktor.
Ayon sa FB post ng Mocha Girls, “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?
“Ganito po kasi ang nangyari, nagkamali si ate mocha sa fb live niya na sinabi niya na ang mayon volcano ay nasa naga, humingi na sya ng sorry sa pgkakamali nya pero ang mga bashers binully pa rin sya kasama na dyan si enchong.
“Kaya yan po ang tanong namin.”
MOST READ
LATEST STORIES