Mayon nag-tour sa buong mundo matapos ilipat sa Naga ni Mocha Uson

SARI-saring memes ang ginawa ng mga netizen matapos naman ang panibagong kontrobersiyal na post ni Communication Assistant Secretary Mocha Uson kung saan sinabi niyang nasa Naga City, Camarines Sur ang Mount Mayon, imbes na  Albay.

Nag-sorry naman so Uson sa pagkakamali.

Ginawa namang katatawanan ng mga netizen ang pinakahuling wow mali ni Uson.

Nagtrending ang post ng Facebook user na si Alveen Alamo Osma matapos namang i-edit ang litrato ng Mount Mayon sa iba’t ibang bansa. Libo-libo naman ang nag-like at nag-share ng kanyang post.

Read more...