Basher kay Jessy: Tumulong ka sa kapwa kesa maghubad!

JESSY MENDIOLA

PALAISIPAN para sa amin kung bakit naba-bash si Jessy Mendiola kahit na magaganda naman ang post niya sa kanyang Instagram account.

When she posted a photo with Luis Manzano ay may nagmahaderang basher and said, “Sana po ate kesa magpo post kayo o ibalandra nyo ang inyong katawan, try nyo po munang tumulong sa iba. Promise mas masarap po ang mag post sa Instagram na puno ng pagmamahal iyong ginagawa nyo po. Kesa sa parang kulang lang po kayo sa pansin. Just saying ate.”

Of course, Jessy didn’t take it sitting down and she retorted, “Bakit ko naman ipopost online yung pagtulong ko? Yung ganong bagay pribado yun. Tsaka anong pagbabalandra ng katawan sinasabi mo?

Nakikita mong nakadamit naman kami ni Luis sa post na ‘to. Unfollow ka na lang. Mwah.”

Read more...