Katarina Rodriguez 1st runner-up sa Miss Intercontinental

KATARINA RODRIGUEZ

MALAKING achievement na rin ang puwestong nakuha ni Katarina Rodriguez, ang representative natin sa katatapos lang na Miss Intercontinental 2017 na ginanap sa Egypt kahapon. Siya ang tinanghal na First Runner-Up sa nabanggit na international beauty pageant.

Grand winner si Veronica Salas ng Mexico ayon sa reports na naglabasan.

Kuntento na rin ang ilang netizens sa nakamit na puwesto ni Katarina. At least sa unang sabak ng Pinay ngayong taon eh, close to the crown ang nakuha niya.

Bago pa man napiling Bb. Pilipinas Intercontinental 2017, lumikha na ng ingay si Katarina nang maging isa siya sa runners-up sa Asia’s Next Top Model Season 2. Naging kontrobersyal siya nang lumutang ang balitang hindi niya tatanggapin ang korona bilang Bb. Pilipinas Intercontinental.

Pero naayos naman agad ang isyu at tinanggap din ng dalaga ang local crown.

Read more...