Marian sa susunod na pelikula: Gusto ko naman baliw-baliwan, ‘yung pumapatay!

MARIAN RIVERA

NGAYONG gabi na matatapos ang primetime series ni Marian Rivera sa GMA na Super Ma’am. And after this, rest muna siya then baka raw muli siyang gumawa ng pelikula.

“Open na ako na gumawa ng mga out-of-the box na istorya. Kasi nanay na naman ako, may asawa ako, puwede na akong mag-take ng risk. It’s about time siguro na gumawa naman ako ng something new,” sabi ni Marian sa isang interview.

Ano naman ang role na gusto niyang i-portray kung sakali, “Mga tipong baliw-baliwan, pumapatay, ganu’n! Wala akong ganu’n, e. Puro mabait ako, e! Mas gusto ko nang gawin yun kesa magpa-sexy.

Something new naman for 2018.”

Read more...