TILA napikon ang Kapuso actress-singer na si Gabbi Garcia sa patutsada ng ilang netizens tungkol sa hindi niya pag-attend sa presscon ng bagong Kapuso primetime series na Sherlock Jr. na pinagbibidahan nila ni Ruru Madrid.
Napilitang mag-post ng litrato ang dalaga sa social media para ipaalam sa lahat na may valid reason kaya no show siya sa nasabing event. Makikita sa photo na naka-dextrose pa si Gabbi. Ito’y may caption na: “Eto po ah. Sorry po, wala po ako sa presscon dahil naka confine ako.”
May isa namang fan si Gabbi na nagsabing totoong isinugod sa ospital ang dalaga at na-diagnose ng “severe kidney infection.”
Kahapon, kinumpirma naman ng aktres na maayos na ang kanyang kundisyon. Nag-tweet uli siya ng, “Going out of the hospital today! Thank you guys! That feeling when they remove your dextrose – FREEDOM!!! Back to work again tomorrow. Time to grind!”
Mapapanood na sa GMA Telebabad ang Sherlock Jr simula sa darating na Lunes, kapalit ng Super Ma’am.