Nakaligtas sa Mamasapano clash kabilang sa nasawi sa pagsabog sa Abra
KABILANG isang pulis na nakaligtas sa madugong operasyon ng Mamasapano sa dalawang pulis na nasawi matapos sumabog ang isang granada sa bayan ng La Paz, Abra bago magmadaling araw.
Namatay si Police Officer 3 Carlos Bocaig, sa araw mismo ng paggunita ng “Oplan Exodus” tatlong taon na ang nakakaraan kung saan 44 miyembro ng elite police group na Special Action Force (SAF) ang namatay matapos isagawa ang operasyon laban sa Malaysian terrorist at bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan”, sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Sinabi ng isa sa mga nakaligtas sa Mamasapano na kanilang si Bocaig sa 13-man assault team na umatake sa kubo ni Marwan sa Barangay Pidsandawan.
Inilarawan ng source si Bocai bilang “warrior.”
Dating miyembro si Bocaig ng seaborne unit ng SAF.
“Even after surviving the battle in Mamasapano, he still volunteered to join combat operations,” dagdag ng opisyal.
Namatay si Bocaig at isa pang pulis habang nagbibigay ng seguridad sa mga VIPs sa isang pista sa Abra.
Sampung iba pa ang nasugatan kabilang na si Rep. Joseph Bernos at La Paz Mayor Menchie Bernos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.