MAY future sa music industry ang baguhang singer-actor na si Brian Gazmen. Hindi lang looks ang kanyang puhunan sa pagpasok sa mundo ng showbiz kundi pati na rin ang kanyang boses.
Sa solo presscon ng binata kamakailan, naikuwento niya kung paano nagsimula ang kanyang showbiz career. Sa murang edad, nakapag-teatro na si Brian na siyang naging pinto sa pagpasok niya sa larangan ng pag-arte.
“Nag-start akong mag-theater noong 2010 with Trumpets. Nakasama ako sa ‘Hairspray’ The Musical. Du’n ko talaga na-realize na gusto kong umarte at maging singer at the same time.
“Nagsimula rin ako sa wala, from scratch. Nag-audition din ako at nare-reject. And I’m proud na napagdaanan ko rin yung step by step. Naghirap din ako, and na-enjoy din ako sa part na yun ng pagsisimula ko,” kuwento pa ni Brian.
At alam n’yo ba na kinarir din ng binatilyo ang pagpapapayat, “Mataba po ako noon, e, ang alam ko sa showbiz kailangan payat ka, healthy ka. So, nagdisiplina talaga ako na mag-diet talaga. I started 85 kilos hanggang sa naging 62 na ngayon.
“Hindi talaga ako kumain ng rice for three years. Hanggang ngayon talagang wala akong kanin. Puro chicken and fish lang. Sobrang taba ko talaga dati 85 kilos ako. But then I started working out when I was 15 years old,” pahayag pa ni Brian.
Ibinalita rin ng singer-actor na bago siya sumabak sa acting, sumailalim muna siya sa series of workshops with Ogie Diaz. Nagkaroon na siya ng exposure sa ilang show ng ABS-CBN, tulad ng Ipaglaban Mo at La Luna Sangre. Napanood din siya sa mga pelikulang “Seven Sundays” at “Love You to the Stars and Back.”
Sa ngayon, nagko-concentrate muna si Brian sa kanyang singing career. Sa darating na Jan. 26 ay ilo-launch na ang first single niya, ang break up song na “Ayoko Nang Makakita Ng Love Song”. Sey ni Brian, handog niya ito para sa lahat ng millennials na may mga hugot sa lovelife.
“Gusto ko talaga ng millennial breakup song na upbeat at kakaiba. Kasi I broke the rule that if you sing a breakup song, kailangan laging senti na mababa. Ginawa ko siyang upbeat para may pag-asa sa mga millennial kasi pag nabibigo sila, end of world na sa kanila, naiiyak na sila.
“At least gagaan ang loob nila, mas go on with life lang. Masaya pa rin dapat. Kahit na may breakup, at least there’s many fish in the sea. Kasi malaki talaga ang influence ng emotion sa tao, kung anong na-ko-convey ng words from the music, parang nakaka-comfort din sa pakiramdam,” paliwanag ni Brian.
q q q
Idol na idol din ng binata si Sarah Geronimo at ang sikat na sikat na rin ngayong si Inigo Pascual na medyo kaboses din niya. Pero kung may isang OPM icon na talagang hinahangaan niya since nahilig siya sa music, yan ay walang iba kundi si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
“Since nine years old ako, na-influence ako kay Gary V. kasi never kami naka-miss ng concert ni Gary V. Tapos yung mga crooners like si Michael Buble and si John Legend din,” ani Brian.
At kahit busy na siya sa kanyang singing career, hindi pa rin pinababayaan ng binata ang kanyang pag-aaral. Last year na niya sa Ateneo high school at balak daw niyang kumuha ng Business Management degree sa college.
“Ang goal ko gusto ko maging inspiration sa mga millennial ngayon. Kasi di ba pag naka-focus sila sa isang bagay ngayon napapabayaan nila ang pag-aaral? Gusto ko maging inspiration na kahit ginagawa mo yung gusto mo, hindi mo napapabayaan yung pag-aaral mo,” aniya.
At kung may isang wish si Brian ngayong nasa showbiz na siya, yan ay ang maging housemate sa Pinoy Big Brother.
“Ang dream ko talaga gusto ko mag-audition sa PBB kasi gusto ko matuto maging independent tapos siyempre ang mga millennial ngayon hindi nila kaya na walang phone. Gusto ko walang phone,” chika ni Brian.